Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi hahayaan ng kanilang ahensya na mapolitika ang kanilang ginagawang relief efforts lalo na ngayong campaign period ng mga kumakandidato ngayong eleksyon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tinitiyak ng kanilang ahensya na naipaparating mismo sa kanilang mga partners na dapat hindi ma-tamper ang mga relief goods at hindi bubuksan o ire-repack ang mga family food packs para maiwasan ang pamumulitika sa mga relief efforts ng ahensya.
Matapos nito ay siniguro rin ng tagapagsalita na mayroon silang naka-deploy na mga Quick Response Team na kasama sa pammahagi ng mga family food packs para mas masigurado na nababantayan ang mga relief packs at talagang naipapamahagi sa mga nangangailangan ang mga tulong na ipinapaabot ng kanilang ahensya.
Samantala, pagtitiyak din ni Dumlao na palaging magbibigay ng mga tamang impormasyon ang kanilang ahensya at sisiguruhing ang mga lalabag sa kanilang mandato at direktiba ay agad na makakatanggap ng mga appropriate actions mula sa pamunuan ng DSWD.