Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng Grade 5 student ng Peñafrancia Elementary School sa Rizal na si Francis Jay Gumikib na nasawi 11 araw matapos na umano’y sinampal ng kaniyang guro.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Group at spokesperson Romel Lopez, agad na inaksyunan ng mga social worker mula sa DSWD-Field Office 4A ang insidente at susuportahan ang naiwang pamilya ng estudyante at magbibigay ng kinakailangang tulong.
Ipinag-utos na rin ni DSWD-4A Regional Director Barry Chua ang case management para sa pamilya Gumikib at agarang financial assistance para sa ospital at funeral expenses.
Sinabi ni Lopez, sasagutin sa minimum financial assistance na P10,000 mula sa DSWD ang medical at funeral expenses.
Una rito, dumanas si Gumikib ng pananakit ng ulo at tenga na humantong sa internal brain bleeding at coma bago ito nasawi.
Kasalukuyang gumugulong na ang criminal investigation ng Antipolo Police Station sa nangyari habang nagsasagawa na rin ng hiwalay na fact-finding at administrative investigastion ang DepEd,