-- Advertisements --

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na walang ineligible at duplicate na mga beneficiaries sa ikalawang bugso ng implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa isang panayam, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, kasunod ng pinaigting na validation at deduplication process, nabuo nila ang malinis na listahan ng mga SAP recipients para sa pamamahagi ng ikalawang trance ng emergency cash subsidy.

“Because of the rigid scrutiny, the DSWD assured that those ineligible will not be given cash aid as well as those who received multiple assistance,” wika ni Dumlao.

Una rito, sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na nadiskubre nila ang nasa 47,830 na mga duplicate beneficiaries.

Batay aniya sa kanilang partial post validation monitoring report, ang ayudang ipinamahagi sa naturang mga duplicate beneficiaries sa unang tranche ng SAP ay umabot ng P458.4-milyon.

Samantala, inihayag ni Dumlao na sinimulan na nila ang pag-download ng pondo ng SAP sa mga financial service providers (FSPs) para ipamigay sa mga benepisyaryo, partikular sa Metro Manila.

“The DSWD, along with LBP, started pre-funding our financial service providers so that the second tranche of cash aid will be delivered to our countrymen, particularly in the National Capital Region,” ani Dumlao.

Paglalahad pa ng opisyal, naantala ang distribusyon ng second tranche ng cash assistance sa NCR dahl kinailangan daw nilang i-validate nang maigi ang listahan para matiyak na tanging mga karapat-dapat na benepisyaryo lang ang makatanggap ng tulong.

Noong Hunyo 30 nang lumagda ng memorandum of agreement (MOA) ang DSWD kasama ang LBP at anim na mga FSPs na tinukoy ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kinabibilangan ito ng GCash, RCBC, Robinsons Bank, PayMaya, Starpay, at Unionbank.