Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may nakahanda silang nasa 300,000 Family Food Packs para sa mga posibleng maapektuhan ng pagsalanta ng bagyong Mace.
Sa isinagawang press briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ni DSWD Usec. Diana Rose Calipe na may kasalukuyang national stockpile ang ahensya na 1,351,815 million family food packs.
Ani Calipe, bago ang pagsalanta ng bagyong Kristine, ay nasa 2M ang stockpile ng bansa at halos kalahating milyon na ang naipamigay sa mga nasalanta nito partikular na sa Bicol region.
Kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni Usec. Diana Rose Calipe
Sa ngayon, tuloy tuloy pa rin daw ang relief operations ng DSWD sa Bicol habang naghahanda para sa pagdating ng bagyong Marce.
Pagtitiyak pa ni Calipe, sisiguruhin ng kanilang ahensya na mabibigyan ng psychosocial support ang mga naapektuhan ng bagyong kristine.
Samantala, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., papanatilihin umano nila na mataas ang stockpile ng sa iba’t-ibang lugar sa bansa na maaaring tamaan ng bagyo.