Dahil sa banta ng bagyong Leon na patuloy na tinatahak ang direksyon papalapit sa Northern at Extreme Northern Luzon, siniguro ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na nananatiling sapat ang bilang ng kanilang stockpile ng family food packs sa lalagiwan ng Batanes.
Batay sa ulat ng DSWD National Resource Operations Center, aabot sa halos 5,500 box ng FFPs ang naihatid sa lalawigan sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard.
Ang naturang barko lulan ang mga nasabing food packs ay inaasahang darating sa lalawigan katapusan ng buwang ito.
Paliwanag ng ahensya, ang araw ng pagdating nito ay depende pa rin sa magiging lagay ng panahon.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa 1,658 kahon ng FFPs ang nananatiling naka pre-position sa lalawigan ng Batanes.
Nakapreposition rin ang 674 sa Itbayat; 387 sa Sabtang , 46 sa Ivan habang 551 sa Uyugan.
Nakapaghatid na rin ang ahensya ng karagdagang Walter filtration kit sa Batanes Local Government Unit para magkaroon ng malinis na tubig.