Tiniyak ng pamunuan ng DSWD na nakahanda sila sa planong pagpapalawak ng Walang Gutom 2027: food stamp program ng ahensya sa darating na buwan ng Hulyo
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Baldr Bringas na aabot sa 300,000 ang karagdagang magiging benepisyaryo ng programa ngayong taon.
Ito ay di hamak na mas mataas sa sa kasalukuyang halos 3,000 benepisyaryo.
Ayon kay Bringas, sa susunod na taon ay plano rin nilang magdagdag ng aabot sa 300,000 na mag benipisyaryo upang maging 600,000 beneficiaries na ito pagsapit ng 2025.
Inaasahan rin ng ahensya na pagsapit ng 2027 na umabot na ito sa kabuuang 1 million beneficiaries.
Batay sa datos, may kabuuang 2,285 registered beneficiaries ang ahensya para sa naturang programa sa mga key pilot areas.
Kabilang na ang Tondo, Manila; bayan ng San Mariano sa Isabela; Dapa municipality sa Siargao; Garchitorena sa Camarines Sur at Parang, Maguindanao.
May 17 accredited retailers rin ang food stamp program at target rin ng ahensya na makapag -accredit sila ng mas marami pang small and medium enterprises.
Layon nitong matulungan ang mga nasa marginalized groups.
Ang FSP ay flagship program ng pamahalaan na naglalayon na wakasan ang involuntary hunger na nararanasan ng mga low-income earners
Nais rin nitong tulungan silang makaagapay at maging productive citizen batay na rin sa whole-of-nation approach.