-- Advertisements --
image 450

Tinulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kabuuang 117 na biktima ng pang-aabuso sa Caraga Region.

Mula sa naturang bilang, 59 sa kanila ay mga victim-survivors
ng pangaabuso at 58 ang children in conflict with the law (CICL), o mga kabataang nasasangkot sa ibat ibang mga krimen.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga ito ay kinailangang sumailalim sa ibat ibang mga social interviention.

Kabilang na dito ang counseling at therapy, legal assistance, at medical care.

Bibigyan din ng naturang ahensiya ng akmang tulong pang-edukasyon ang ilan sa kanila, kasama na ang ibat ibang serye ng skills training.

Ayon sa DSWD Official, patuloy nilang binabantayan ang mga kahalilntulad na kaso, dahil na rin sa banta nito sa buhay ng mga kabataan, at mga kababaihan.