-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na walang patid ang kanilang paghahatid ng Humanitarian Assistance sa mga lalawigang naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao at umiiral na shearline sa bansa.

Sa kasalukuyang datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center , aabot na sa higit P188M na halaga ng mga humanitarian assistance ang kanilang naipamahagi sa mga residenteng naapektuhan.

P128M dito ay inilaan ng DSWD sa mga apektado ng shear line sa Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Northern Mindanao.

Tinatayang aabot naman P60M ang ipinamahagi ng ahensya sa Region 11 at 12 na nasalanta ng lindol kamakailan.

Pagtitiyak ng DSWD, na nananatiling sufficient ang kanilang pondo upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.

Ayon sa ahensya. aabot sa ₱2.9-bilyong halaga ng stockpiles at standby funds ang nakahandang ipamahagi sa mga maapektuhan ng kalamidad sa bansa.