Walang patid ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development sa paghahanda ng aabot sa 344,316 na kahon ng family food packs sa kanilang Main Warehouse sa Pasay City.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, ang naturang bilang ng FFPs ay matagumpay na na repack sa tulong ng 9,000 volunteers.
Ang mga volunteer na ito ay tumugon sa panawagan ng ahensya dahil sa pagtama ng nagdaang bagyong Carina at habagat sa bansa.
Pinasalamatan naman ni Dumlao ang naturang mga volunteers dahil sa kanilang agarang tugon .
Ayon sa DSWD, mula pa noong July 23, tuloy-tuloy ang pagdating ng mga volunteers sa National Resource Operations Center na siyang tumulong sa pagrerepack ng mga food supplies at food boxes.
Sa ngayon ay bukas pa rin ang ehsnay sa pagtanggap ng mga volunteers.
Batay sa datos ng DSWD, as of Aug. 12, aabot na sa 1,217,148 boxes ng FFPs ang nasa mga warehouses at storage facilities ng ahensya sa buong bansa.