Wala pa ring patid ang pagbibigay ng tulong ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon.
Sa ngayon aabot na sa mahigit P1.4 milyon ang naipaabot ng ahensya sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa Negros Occidental at Negros Oriental.
Namahagi ang DSWD ng mga family food packs at non-food items kabilang na ang mga family kits at sleeping kits.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, patuloy silang nakikipg coordinate sa nga lokal na pamahalaan.
Layon nitong maibigay ng mabilis ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residenteng at mga evacuee na apektado.
Batay sa datos, aabot sa 330 pamilya o katumbas ng 1,285 indibidwal ang namamalagi ngayon sa mga itinalagang evacuation centers sa naturang mga lalawigan.
Ipinag-utos rin aniya ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na patuloy na tutukan ng ahensya ang pagbibigay ng tulong hanggang bumalik sa normal ang lahat.