-- Advertisements --

Inalmahan ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development ang kumakalat na signature campaign na pabor umano sa Cha-Cha ang kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ay saklaw lamang ng kanilang ahensya.

Dagdag pa ng opisyal na bilang frontline social protection agency ng gobyerno,, lagi silang nakahandang tumulong anumang oras o lagay ng panahon para sa mga mahihirap na Pilipino.

Nilinaw rin nito ang ang pamamahagi ng kagawaran ng iba’t ibang assistance gaya ng Assistance to Individuals in Crisis situations o AICS sa mga mahihirap ay naaayon sa saligang batas at malinaw na sumusunod sa panuntunan.

Kabilang sa mga makatatanggap ng naturang programa ay mga ay indigent at dumaranas ng krisis.

Ang mga ito ay sumasailalim sa assessment ng social workers mula sa DSWD Central Office, satellite offices at iba pa nitong field offices.