Patuloy pa rin ang Department of Social Welfare and Development sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na labis na naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.
Partikular na natuon ang tulong ng ahensya sa mga lugar na naapektuhan sa Bicol Region.
Sa naging pahayag, sinabi ng ahensya na naihatid na nila ang karagdagang tulong para sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng bagyo.
Layon ng hakbang na ito na maalalayan sila hanggang sa kanilang muling pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.
Namahagi rin ang DSWD ng FFPs sa mga pamilya mula sa Barangay Daguit, Labo sa lalawigan ng Camarines Norte.
Nakapaghatid na rin sila ng ayuda sa mga barangay sa bayan ng Bula at Del Gallego sa Camarines Sur at Gubat sa probinsya ng Sorsogon .
Tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang kanilang relief operation hanggang ang lahat ay tuluyan nang makabangon sa epekto ng hagupit ng bagyo sa iba pang sakuna.