DAVAO CITY – Nakapagtala ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) XI ng sampung kaso ng Child exploitation sa rehiyon.
Ayon kay Gladys A. Credo, ang Social Welfare Officer II ng DSWD XI, na kasalukuyang tinututokan ng opisina ang bagong limang kaso, kung saan 3 nito ay biktima mismo ng kani-kanilang mga magulang.
Dagdag pa ng opisyal, pangunahing itinuturong dahilan ng pagtaas ng kaso ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children sa rehiyon ay ang kakulangan ng information dessimination.
Kakailanganin na mapaintindi sa mga magulang at mga bata ana Anti-trafficking Law at ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children.
Ikinokonsidera rin na dahilan ang kahirapan kung kaya’t na pupwersa umano ang mga magulang na pumasok sa nasabing gawain gamit ang sariling anak.
Sa ilalim ng Anti-trafficking law, habang buhay na pagkabilanggo ang kakaharapin ng mapapatunayang nagkasala sa nasabing batas.
Nananawagan din ngayon ang ahensya na di dapat matakot at kailangan na magreport sa otoridad upang mabigyan ito ng kaukulang aksyon.