-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI ang publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na gustong tumulong sa pag-asikaso upang maka avail sa Assistance to Individuals in Crisis Situtation o AICS Educational Assistance.

Sa isang post ng DSWD XI sa official Facebook page nito, muling pinag-iingat ng ahensya ang publiko laban sa mga fixers matapos matala na may nanghihingi umano ng processing fee at nangangakong siguradong mapapabilang sila sa nasabing programa ng ahensiya.

Nilinaw din ng ahensiya na libre ang assistance at walang kinakailangang processing fee sa pag avail nito.

Iligal ang nasabing aktibidad rason na dapat itong iwasan lalo na kung hindi empleyado ng DSWD ang naka-usap ng aplikante upang maiwasang mabiktima ng scam.