-- Advertisements --

DAVAO CITY – Binigyang linaw ni Rachel Remitio, Regional Director sa Department of Trade and Industry (DTI)-Davao ang patungkol sa kontrobersiyal na
pag-standardize sa pagluto ng adobo para mas makilala umano ito sa International Market.

Ayon kay Remetio na ang nasabing plano ay para lamang sa international at hindi sa domestic lalo na at maraming klase ng pagluluto ng adobo depende sa panlasa ng mga Filipino.

Kung maalala samu’t sari ang reaksiyon ng mga tao sa naunang pahayag ng ahensiya na kailangan may standard sa pagluluto ng isa sa mga sikat na ulam ng mga pinoy.

Kung matutuloy ang nasabing plano sinasabing naka-pack na adobo o ready to heat ito na ibebenta sa ibang bansa at hindi umano mandato na ang lahat na sundin kung ano ang pagkakaluto nito lalo na sa mga chef at nagtitinda ng parehong ulam sa mga resturant.