Napansin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mas mababang presyo ng mga bigas lalo na ang mga imported premium rice sa mga pamilihan na siyang ikinagalak ng departamento.
Ani DTI Secretary Maria Cristina Roque, sa mga nakaraang pagiikot kasi ng kanilang opisina katuwang ang mga opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) mas marami kasi ang mga nagbebenta pa rin ng mga nasa presyuhan ng P50-P60/kilo sa mga pamilihan.
Kaya naman ikinatuwa ng ahensya na talagang susmusunod at mas mababa pa sa itinakdang maximum suggested retail price (MSRP) na P45/kilo ang ilan sa mga retailers.
Kasunod nito ay tiniyak naman ni Roque na magpapatuloy ang kanilang monitoring at enforcement sa tamang presyo ng mga bigas sa merkado sa buong bansa.
Uumpisahan naman sa susunod na linggo ang pagpapaigting ng mas striktong implementasyon ng nga MSRPs sa mga basic commodities partikular na sa bigas at lalo na rin sa mga produktong baboy.
Samantala, siniguro din ng kalihim na susunod ang kanilang departamento sa kung ano man ang maging plano at inisyatibo ng DA kung saan ipapatupad din nila ang mga direktiba mula sa naturang opisina.
Sa ngayon ay inaasahan na mas magkakaroon ng mas striktong implementasyon ng mga MSRPs sa mga pamilihan sa susunod na linggo para tuluyang sumunod ang mga retailers.