-- Advertisements --

Malamig ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Dutere sa panukala na palawigin pa ang quarantine restriction sa Metro Manila at ilang lugar na mayroong mataas na kaso ng COVID-19 ng hanggang sa katapusan ng taon.

Sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mas lalong dadami ang magugutom at tataas ang mawawalan ng trabaho kapag ipinatupad ito.

Ayon sa dalawa, maaring mapigil ang Delta variant habang maaga pa sa pamamagitan ng pagbantay sa border at ipatupad ang health standards.

Mas pipipliin pa aniya nila na ipatupad ang localized lockdowns sa mga mayroong mataas na COVID-19 transmission.

Nakikita aniya nila maraming tao na ang sumusunod na health standard dahil kailangan nilang pumasok sa trabaho para maibsan ang pagtaas ng kaso nagugutom.

Mahalaga aniya ang pagpapaigting ng pagpapabakuna kung saan magiging prayoridad dito ang mga nasa lugar na mayroong highest risk of infection.