-- Advertisements --

Nakabantay ngayon ang Department of Trade and Industry sa iba’t ibang mga pamilihan sa kanilang patuloy na pagmomonitor sa presyo ng mga bilihin.

Ito ay kasabay ng kanilang pagsiguro na sumusunod ang mga pamilihan at maging ang mga manufacturers sa kung magkano dapat ibenta ang pagkain lalo na ang mga pangunahing produkto.

Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque, nakipagpulong na sila sa mga manufacturers hinggil sa usaping ito.

Sinabi niya na walang dapat ikabahala ang publiko dahil 72% sa mga ito ay walang mangyayaring price increase.

‘Only 72% will not have any price increase, and if ever may price increase just dun sa 28% and most are below 5% and a little bit 10% so the price increase is very minimal actually’, ani Secretary Maria Cristina Roque ng Department of Trade and Industry.

Ngunit giit naman ng naturang secretary ng Department of Trade and Industry, mananagot ang mga susuyaw sa itinakdang presyo ng mga basic commodities at food items.

Sa kabilang banda, ibinahagi din ng kalihim na naiintindihan nila ang lagay ng mga manufacturers sa posibleng maging epekto nito sa kanila.

Paliwanag niya, makakaasa ang panig nila (manufacturers) na magiging patas pa rin ang kanilang ilalabas na presyuhan sa mga pangunahing produkto.

‘We really have to be fair in our prices also’, pahayag ni Secretary Maria Cristina Roque ng Department of Trade and Industry.

Bago umikot si DTI Secretary Maria Cristina Roque sa isang supermarket sa lungsod ng Pasig, unang pinatingnan niya muna sa kanyang mga tauhan kung tunay ngang nasusunod ang naka-set na mga presyo.

Kaya nang siya’y magsalita matapos ang naturang pag-inspeksyon, isinalaysay niyang hindi sumuyaw ang naturang pamilihan sapagkat ito’y nagtitinda ng mga produkto sa presyong itinakda nila.