-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga price freeze violators na mayroong mabigat na kaparusahan silang kakaharapin.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na mayroong P2 million na multa ang ipapataw sa mga negosyante na hindi susunod sa prce freeze sa Luzon dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Paliwanag pa ng kalihim na hindi magkakaroon ng pagkalugi ang mga negosyante dahil hindi tinataasan ang presyo ng kanilang mga produkto.
Magugunitang naglagay na ang ahensiya ng suggested retail price sa mga pangunahing bilihin bago ilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Luzon sa State of Calamity.