-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na mahaharap sa mabigat na kaparusahan ang mga negosyante na sinasamantala ang kampanyang “buy local”.

Nakarating kasi sa kaaalaman ng ahensiya na pinapalitan ng ilang mga negosyante ang lable mga imported products para magmukha itong gawa ito sa bansa.

Ilan sa mga inihalimbawa ng ahensiya ang mga bigas, manok semento at ilang mga gamit para sa constructions.

Ang sinumang negosyanteng mahuli ay pananagutin sa paglabag sa Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines.