-- Advertisements --

Nagpamalas ng buong pwersang suporta ang Department of Trade and Industry sa ginanap na ‘Bagong Pilipinas’ Kick-off rally ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang naturang event ay ay ginanap mismo sa Quirino Grandstand kahapon na dinaluhan rin ng libo-libong indibidwal .

Daan-daang kawani ng DTI ang lumahok at dumalo sa naturang rally at nakiisa na rin sa mga aktibidad .

Nagtayo ang mga ito ng mga booth at nag-alok ng abot kayang pagkain at inumin para sa mga dumalong indibidwal .

Sa isang pahayag, sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na mananatiling kaisa ang DTI sa pagpapalaganap ng kaunlaran sa Pilipinas .

Asahan na rin aniya ang mga programa ng administrasyon sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas’ campaign.

Siniguro naman ng ahensya na mananatiling katuwang ang kanilang ahensya sa pagtutulak ng mga programa na makatutulong upang maiangat ang pamumuhay ng sambayanang Pilipino.