-- Advertisements --

Target daw ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin ang koneksyon ng mga magsasaka sa ilang pamilihan para maibsan ang epekto ng oversupply o labis na ani ng agricultural goods.

Inamin ni DTI Sec. Ramon Lopez na labis ang oversupply ngayon ng mga produktong pang-agrikultura dahil hindi pa direktang nailalako ng mga magsasaka ang kanilang ani sa mga nagbebenta sa palengke.

“Ngayon naman gusto naman naming mapadiretso para may market ‘yung kanilang produkto dahil ang dami ho nilang oversupply. Kung hindi anuhin ay nasisira,” ani Lopez.

Sa ilalim ng isinusulong na producer-to-consumer market scheme ng Trade deparment, nais ng tanggapan na bigyan ng kasiguraduhan ang loca producers na may bibili sa kanilang prdokto.

Bagamat hindi isinasantabi ng DTI ang posibilidad na magkulang ang supply ng bansa sa local products, umaasa pa rin si Lopez na hindi magtatagal ang tagtuyot ngayong taon.