Ipinaliwanag ng Department of Trade and Industry ang naging basehan ng National Pricing Coordinating Council sa pagrerekomenda ng emergency food security ngayon sa bigas.
Enero pa lamang nang magsagawa ng isang pagpupulong ay napagdesisyunan na ang magiging rekomendasyon hinggil sa usapin.
Ito ay kinumpirma mismo ni Assistant Secretary Agaton Teodoro Uvero ng Department of Trade and Industry sa ginanap na pulong-balitaan ngayong araw.
Dahil dito, inihayag ng assistant secretary ng naturang kagawaran ang kanilang pinagbasehang datos sa naging rekomendasyon.
Wala umano kasing nakita na pagbaba sa presyo ng bigas kung saan ay natuklasan na patuloy ang pag-angat nito simula noong 2023.
‘Ang pinagbabasehan kasi yung July 2023 na tumaas at never halos di’ na bumaba so continuing yung price increase,’ pahayag ni Assistant Secretary Agaton Teodoro ng Department of Trade and Industry.
Kaya naman, ibinahagi ni Assistant Secretary Agaton Teodoro Uvero na ang naging deklarasyon ng emergency food security sa bigas ay kasunod nang mapirmahan ang ginawang resolusyon ng National Pricing Coordinating Coundil.