-- Advertisements --
Handang mamagitan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa bangayan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG,) at Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI).
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, pinagharap na niya ang dalawang grupo subalit kailangan maulit ang pag-uusap para tuluyang maplantsa ang gusot ng dalawang grupo.
Nauna ng inanunsiyo ng PAMPI na ititigil nila ang pagbili ng mga lokal na karne ng baboy dahil sa banta pa rin ng African Swine Fever.
Pinaghihinalaan din ng PAMPI na ikinakalat ng SINAG na positibo sa ASF ang mga branded processed meat products habang sinisi naman ng SINAG ang PAMPI dahil sa pagdala ng ASF-infected meat products na galing sa ibang bansa.