Handang tumulong ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga kompan8ya para lamang maibigay nila ang 13th month pay ng kanilang empleyado.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, plano nilang gumawa ng lending facility sa pamamagitan ng kanilang Small Business Corp. (SBCorp) kung saan dito makakautang ang mga negosyanteng labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kanilang negosyo.
Ang nasabing hakbang ay tulad din na ginawa nila noong nakaraang taon na sinuportahan ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) para maibigay ang 13th month pay na isinasaad sa batas.
Dagdag pa ng kalihim na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa nasabing usapin.
Una na na rin itong hiniing ng ECOP para sa ayuda mula sa DTI.