Handa ang Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan at makabangon muli ang mga local na negosyong naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Ito ang pagtitiyak ng ahensiya bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaugnay nito, binigyang diin ni DTI Acting Secretary Cristina Roque ang commitment ng ahenisya na suportahan ang recovery efforts para sa mga apektadong negosyo lalo na sa maliliit na negosyo o ang tinatawag na micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Aktibo na ring nakikipag-usap ang ahensiya sa kanilang partners sa pribadong sektor kabilang ang industry associations para pakilusin ang mga resources at magbigay ng agarang tulong para sa mga apektadong negosyo.
Maliban dito, idineklara na rin ang price freeze sa mga essential goods para sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity.
Samantala, hinihimok naman ang mga apektadong negosyo na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na Negosyo Centers o DTI regional offices para sa kaukulang tulong.