-- Advertisements --

Hihilingin na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tulong Department of Interior and Local Government (DILG) para mabantayan ang pagtaas ng presyo ng mga karne ng manok.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, isa ito sa natalakay nila sa national price coordinating council meeting.

Magiging trabaho ng DILG na bantayan ang mga local government unit na posibleng magtaas ng presyo ng mga karne ng manok.

Sa kasalukuyan ay nasa P170-P180 kada kilo ng manok kung saan posibleng tumaas ito dahil sa taas ng demand bunsod na rin ng banta ng African Swine Fever (ASF) sa mga karne ng baboy.