-- Advertisements --
HIndi sang-ayon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mas maluwag na quarantine restriction ang National Capital Region sa Agosto dahil sa patuloy ang banta ng delta variant ng COVID-19.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, na sapat na ang kasalukuyang quarantine restriction na normal na GCQ na nakakagalaw na ang ekonomiya.
Pinapayagan na kasi ang lahat ng mga essential at non-essential na low-risk economic activiites kaya nakabalik na sa trabaho ang karamihan.
Magugunitang bago kasi nailagay sa GCQ with restrictions at GCQ with some restrictions ang NCR ay inilagay muna ito sa mas mahigpit na uri ng restrictions noong Mayo.