-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpapadala sila ng ikalawang shipment ng pambansang prutas ng Pilipinas na Mangga sa Australia ngayong buwan ng Abril.
Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual, binibigyang diin ng hakbang na ito ang trade relations sa pagitan ng PH at Australia.
Aniya, ang trade levels sa pagitan ng 2 bansa ay lumago pa mula sa pre-pandemic figures.
Noon lamang 2023, ang trade volume ay lumobo sa $4.1 billion na nagpapakita ng 20% na pagtaas mula sa $3.4 billion.
Ang patuloy din aniyang paglago ng bilateral trade ay nagpapakita ng malawak na potensiyal para sa mga produkto ng PH sa Australian market.