-- Advertisements --
Magkakaroon ng pagtaas ng presyo ang ilang gatas, kape at mga fish sauce na kabilang sa mga pangunahing bilihin.
Ito ay matapos na aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng mga negosyante sa taas-presyo.
Ayon sa naaprubahan ang pagtaas ay magkakaroon ng P0.50 hanggang P2.00 kada lata ng gatas, P0.50-P0.85 sa kada pakete ng fish sauce at P1.00 ang pagtaas sa kada pakete ng kape.
Paglilinaw naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na hindi pa agad maipapatupad ang dagdag presyo dahil kailangan pa ng 15 days kapag nai-publish na ang nasabing dagdag presyo.