Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong suggested retail price sa ilang mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sa nasabing listahan ay mayroong 77 na produkto ang mayroong pagtaas.
Ang pinakahuling pagpapalabas kasi nila ng SRP ng mga produkto ay anoong Enero 12 ng nakaraang taon.
Base sa datus ng DTI na sa 191 na shelf-keeping units (SKU) ay 77 items o 40 percent ng mga ito ay nagtaas ang presyo.
Kinabibilanga ng mga nagtaas ang presyo ay ang sardinas, condensed milk, evaporated, powdered mik, tinapay, asin, sabon, corned beef, kandila, instant noodles, luncheon , beef at meat loaf at coffee refill.
Ang mga sardinas ay nagtaas ng mula 5 hanggang 15 percent o dalawang centimo na P2.73 para sa 155 gramo ng delata.
Habang ang gtas ay mayroong mula anim hanggang 10 percent na pagtaas o mula P2.50 hanggang P6.00 depende sa brand.
Mayroong 108 na mga produkto naman ang hindi nagbago ng kanilang presyo.