-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 2024 Noche Buena Price Guide sa mga 12 produkto na kadalasang binibili ng mga Pinoy.

Ang nasabing price guide ay mananatiling epektibo ng hanggang Disyembre 31, 2024.

Karamihan sa produkto noong 2023 ay hindi nagbago ang presyo habang ang iba pa ay bumaba pa.

Hinikayat din ng DTI ang mga mamimili na ugaliing suriin ang expiration date para matiyak ang kalidad ng produkto at bumili ng maramihan para makamura.

Layon aniya ng nasabing price guide ay para magkaroon ng ideya ang mga mamimili sa pagtitipid.