CAUAYAN CITY- Nagbabala ang Kagawaran ng Kalakal at Industriya o DTI Isabela sa publiko may kaugnayan sa mga scammers o mga nanloloko sa online habang papalapit ang holiday season.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DTI Provincial Director Winston Singun ng DTI Isabela iginiit niya na bagamat talamak at patok ngayon ang online selling kailangan pa ring sumunod ng mga seller sa mga panuntunan pangunahin ang pagkakaroon ng business permit, BIR at physical address upang matiyak ng mga mamimiling lehitimo ang mga katransaksiyon online.
Ayon kay Provincial Director Singun, hindi dapat padalus-dalos ang mga mamimili sa pakikipag-transaksiyon sa mga produktong nakikita lamang nila sa social media maliban na lamang kung ito ay may proper endorsement o magpapatunay na tutoo ang ibinebentang produkto o iniaalok na serbisyo online.
Dagdag pa niya na isa sa mga paraan upang makatiyak na legal ang isang online seller ay ang pagkakaroon ng reviews o feedback gayunman babala nito na maging mga review o online feedback ay maaari na ring dayain at manipulahin online.
Dapat ring iwasang makipag-transaksiyon sa mga online shops na walang physical address, iwasang maniwala sa mga magagandang litrato gayundin na iwasang bumili sa o makipagsaksiyon kung payment first policy maliban nalamang kung mapagkakatiwalaang online plotform ang ka-transaksiyon subalit mas mainam pa rin ang cash on delivery o COD upang makatiyak na darating at matatanggap ang bibilhing produkto.
Upang maiwasang mabiktima ng iba’t ibang scam o online scam ay dapat mabigyan ng sapat na impormasiyon ang mga mamiili may kaugnayan dito.
May mga pagkakataon nakakatanggap sila ng ulat may kaugnayan sa mga nabibiktima ng mga seller o supplier na walang physical address gayunman umaabot naman sa 100% success rate kapag ang mga seller o online plotform ay lehitimo kung saan naibabalik ang pera ng consumer sa pamamagitan ng refund, repay at replace.