Aminado ang pamunuan ng Department of Trade and Industry na hindi nila kayang haranagin ang hirit na taas presyo ng mga manufacturers ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Assistant Secretary Amanda Nograles ng DTI Consumer Protection Group na taong 2022 at 2023 pa nakabinbin ang Notice of Adjustment ng manufacturers.
Paliwanag pa ni Nograles na patuloy rin kase ang pagtaas ng mga presyo ng “raw materials “pati na ang distribution costs.
Kinumpirma rin ng opisyal na posibleng umabot sa 6% ang posibleng itaas sa presyo ng mga basic commodities.
Aniya , ito ay mas mababa kung ikukumpara sa higit 10% na itinaas ng manufacturers noong 2022 at 2023.
Samantala nilinaw naman ni Assistant Secretary Amanda Nograles na isang bes lamang sila naglabas ng SRP noong 2023.
Ang mga produktong posibleng tumaas ang presyo ay ang de-latang pagkain, instant noodles, sabon at iba pa.