Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na huwag ng tangkilin ang mga suka na nakitaan na nagtataglay ng synthetic acetic acid.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, may pananagutan ang mga kumpanya ng suka dahil sa hindi paglalagay ng mga sangkap ng kanilang produkto na napapaloob sa consumer act.
May mga grupo na rin ang DTI na binuo para umikot sa iba’t-ibang mga pamilihan para matiyak na walang makakalusot na mga suka na nauna ng pinagbawal ng Food and Drugs Administration (FDA).
Magugunitang inilabas ng FDA ang ilang mga brand ng suka na nagtataglay ng synthetic acetic acid na kinabibilangan ng Surebuy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar , Tentay Vinegar ‘Sukang Tunay Asim’ at Chef’s Flavor Vinegar.