Pinag-iisipan ngayon ng Department of Trade and Industry ang magiging desisyon nito hinggil sa mga kahilingan ng mga manufacturer na magtaas ng presyo sa mga pangunahing biihin sa loob ng dalawa hanggang tatlon linggo.
Sa isang panayam ay ipinahayag ng DTI na nakakatanggap sila ng mga hiling na itaas pa ang price adjustments para sa 33 basic necessities at prime commodities tulad ng mga delatang sardinas. di ko bet delatang karne, at gatas.
Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na ang lahat ng ito ay isinasailalim sa masusing pag-aaral ng Consumer Protection Group.
Ipinaliwanag din niya na hindi basta-basta agad na mababago ang presyo ng suggested retail prices (SRPs) dahil kinakailangan pa aniya itong dumaan sa approval ng DTI.
Samantala, binanggit din ni Lopez na wala siyang nakikitang dahilan upang agad na magkaroon ng adjustment sa SRPs ng mga manufacturer ng basic goods dahil mayron pa itong mga raw materials at finished products.Top