-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng “seal of legitimacy” para sa mga direct selling at multi-level marketing organization.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castello na nakapaloob ito sa inilabas nilang Administrative Order 21-09 o ang Guidelines on Grant of DTI Seal of Legitimac for Legitimate Direct Selling and Multi-Level Marketing.
Dahil dito ay mabibigyan na ng proteksyon ang publiko na maging biktima ng mga kumpanya ng kumukuha ng mga chain distribution plan o mga pyramiding scams.
Hinikayat nila ang nasabing mga parehas na kumpanya na magtungo sa kanilang opisina para makapag-apply ng “Seal of Legitimacy”.