-- Advertisements --
Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturers na huwag munang magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Gumagawa aniya ng hakbang ang gobyerno para matulungan ang mga manufacturers at ng hindi na ipasa sa mga mamimili ang nasabing taas presyo nila.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, na sa mga susunod na linggo ay mailabas na nila ang mga “price guide” para sa mga Noche Buena products.
Sa nasabing paraan ay malaking tulong ito sa mga mamimili para mayroon silang pagpipilian sa mga produktong bibilhin nila.