-- Advertisements --
Maglalabas ng suggested retail price (SRP) ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang mga pangunahing bilihin.
Ito ay dahil sa nakaambang pagtaas ng mga presyo ng ilang bilihin sa susunod na linggo.
Ilalabas ang ang nasabing listahan sa Mayo 4.
Ilan sa mga tataas na presyo ay ang mga sardinas na magtataas ng mula P0.30 hanggang P1.00 kada lata habang ang noodles ay posibleng magtaas mula P0.20 hanggang P0.45 sa kada pakete.