-- Advertisements --
Mahigpit na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kumpanyang Shopee sa pag-aayos ng mga reklamo sa kanila.
Kasunod ito na mayroong mahigit 10 mga biktima ang nagtungo sa DTI para ireklamo ang BlackPink meet and greet promo ng nasabing sikat na online shop.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na nangako ang kumpanya na kanilang kakausapin ang mga nagrereklamo.
Nauna rito umani ng reklamo ang nasabing promo ng kumpanya matapos na ianunsiyo nila na nagkaroon problema ang kanilang system.
Base sa mechanics nila ang 586 top spenders nila mula Mayo 11 hanggang Mayo 25 ay magkakaroon ng pagkakataon na makadaumpalad ang nasabing sikat na K-pop group.