-- Advertisements --

Hihilingin ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Facebook na payagan ang consumer protection group na silipin ang ilang database ng mga online sellers.

Kasunod ito sa mga nagsulputang reklamo laban sa mga online sellers.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na dahil sa lumalaki na ang e-commerce activity sa bansa kaya dapat palakasin rin ng consumer awareness at protection ng mga customers.

Kinakausap na rin nila ang mga malalaking online shopping platforms na kung maaari ay tulungan ang mga small and micro enterprises na maging digital na.