-- Advertisements --
DTI sec ramon Lopez
DTI Sec. Ramon Lopez

Mas paiigtingin pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kampanya laban sa mga nagbebenta ng pekeng gamit.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nakipag-ugnayan na ito sa mga mambabatas para gumawa ng batas na mapapanagot ang mga online at offline sellers na mahuhulihan na nagbebenta ng mga pekeng gamit.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagsulpot ng mga online sellers at ganun din ang pagdami ng mga nagrereklamo na peke ang kanilang nabili.

Mahigpit din ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga nagbebenta ng mga counterfeit items.

Patunay dito ang aabot sa P13.73 billion na mga nakumpiskang pekeng produkto mula Enero hanggang Hulyo 2019 na ito ay kinabibilangan ng sigarilyo, personal care at mga pekeng bag at sapatos.