-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong karampatang parusa sa mga online sellers na hindi maglalagay ng kanilang mga presyo.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castello, nasa batas ng Republic Act 7581 o Price Act na bawal ang pagbebenta ng walang presyo.

Malinaw na isang uri ng profiteering ang hindi paglalagay umano ng mga presyo sa mga produkto na inilagay sa iba’t-ibang social media platforms.

Bukod sa Price Act ay nakasaad din sa Consumer Act na ipinagbabawal ang pagbebenta ng walang anumang presyo.

Katulad din aniya ng mga pagbebenta sa groceries ay nararapat na maglagay ng presyo sa mga ibinebentang mga produkto.