-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Cristina Aldeguer – Roque bilang acting secretary ng Department of Trade and Industry.

Ang appointment ni Roque ay kasunod ng pagbibitiw ni dating Trade Secretary Alfredo Pascual na epektibo ngayong Agosto 2.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na nakita ng pangulo ang dedikasyon at pamumuno ni Roque sa micro, small at medium enterprises (MSME) sector.

Dagdag pa ng PCO na mahalagang magkaroon ang DTI ng mamumuno gaya ni Roque.

Naging undersecretary si Roque ng DTI MSME development group.