Nag-alok ng pautang ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga small business owners para mabigyan sila ng kanilang 13th month pay.
Ayon sa Small Business Corp. (SB Corp), isang sangay na ahensiya ng DTI, na maaring makahiram ang maliit na negosyante ng hanggang P480,000 na sapat na para mabigyan ng tig P12,000 sa 40 manggagawa nito.
Dagdag pa ng ahensiya na ang nasabing programa ay para matulungan ang mga micro and small business na tinamaan ng pandemiya.
Sinabi pa ni SB Corp Spokesman Lito Acupan na bukas ang loan facility sa mga SME na napilitang magsagawa ng flexible working arrangement, nakaranas ng temporaryong pagsasara bago ang Nobyembre 2 at ang pagbawas ng kanilang mga empleyado.
Mayroong 4 percent na interest lamang ang sisingilin sa kada taon sa nasabing pautang.