Papatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) ng hanggang P2-milyong multa ang mga nagtitinda ng non-medical grade face shield na susuway sa P26 hanggang P50 suggested retail price (SRP).
Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, ipinakalat na ng DTI ang impormasyon kaugnay sa SRP ng mga face shield.
Maliban dito, maari ring makulong ng lima hanggang 15 taon dahil sa profiteering ang mga mapatutunayang mananamantala.
Batay sa nilagdaang kautusan ni Health Sec. Francisco Duque III, nakasaad na sakop lamang nito ang non-medical grade face shields.
Ito ay ang mga clear plastic o acetate material na mayroong adjustable band at sumasakop sa buong mukha, samantalang ang mga basic shields naman ay gawa sa garter, foam, acetate sheet, at frame.
Samantala, iginiit naman ni Castelo na ang mga heavy duty face shield na gawa sa acrylic cover at rubber strap ay maaaring mabili ng P500.