-- Advertisements --

Muling ipinag-utos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapasara sa loob ng dalawang linggo ang mga sinehan, gaming arcades, driving schools, museums at cultural centers.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ng kalihim na maglalabas sila ng nasabing resolusyon ngayong araw para sa nasabing mungkahi.

Limitado naman sa 30 porsyento ang mga pagpupoulong, international conventions at mga kahalintulad na kaganapan.

Habang mga kainan at personal care services ay hanggang 50 porsyento lamang.

Magugunitang pinayagan ng DTI na magbukas na ang mga sinehan pero hanggang 25% lamang ang kapasidad nito.

Kinontra naman ito ng mga alkalde sa Metro Manila dahil sa pangamba ng pagtaas pa lalo ng mga kaso ng hawaan.