-- Advertisements --
May mahigpit na pagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na maging responsable sa mga isinasagawa nilang marketing strategy.
Sinabi ni DTI Consumer Protection Group head Assistant Secretary Amanda Nograles na hindi sila magdadalawang isip na tanggalan ng lisensiya o suspendihin kapag hindi ginamit ng tama ang lisensiya.
HIndi rin dapat na gamitin sa panloloko o pag-prank ang business name para makakuha ng mga atensiyon sa mga kliyente.
Magugunitang umani ng batikos ang isang negosyante na sinabing isang marketing strategy lamang paghamon nito sa mga kliyente na kanilang bibigyang ng P100,000 kapag ipina-tattoo ang kanilang logo sa noo nila.