Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante sa Metro Manila na umiiral pa rin ang price freeze ng hanggang Setyembre 24.
Ang nasabing price freeze ay ipinatupad dahil sa deklarasyon ng state of calamity sa Metro Manila dahil sa pananalasa ng habagat at super typhoon Carina noong Hulyo.
Epektibo aniya ito ng hanggang 60 araw mula sa deklarasyon.
Ipinagbabawal dito ang pagtaas ng presyo ng mga basic commodities gaya ng asin, delata , sabon at iba pa.
Sinabi ni Fhillip Sawali, director of DTI Fair Trade Enforcement Bureau, na mayroon ng 43 na mga negosyante ang kanilang nabigyan ng notices of violation sa Metro Manila.
Mayroong 48 oras sila para magbigay ng paliwanag ukol sa nasabing pagtataas nila ng mga presyo ng bilihin.
Patuloy ang ginagawang pag-iikot nila sa mga pamilihan sa Metro Manila para matiyak na walang magtataas ng presyo ng kanilang mga bilihin.