Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga online seller laban sa paglabag sa vape law.
Ito ay kasunod ng pagpupulong ng kagawaran kasama ang mga kinatawan ng e-commerce platforms at iba pang online marketplaces para matugunan ang paglaganap ng ipinagbabawal na vape products sa ina-advertise at ibinibenta online.
Binigyang diin ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, ang head ng consumer protection group ng DTI, ang striktong pagsunod sa batas para matiyak na hindi magkaroon ng access ang mga menor de edad sa nasabing produkto na mapanganib sa kalusugan.
Babala ng opisyal na gagawin ng DTI ang lahat ng kaukulan at legal actions laban sa mga business entites na bigong sumunod sa mga requirement para sa issuances ng produkto.
Pinaalalahanan din ang mga manufacturer at importes ng 18 buwang transitory period kung saan hanggang Hunyo 5 na lamang ngayong taon ang palugit na ibinigay para makapag-comply sa product registration at certification requirements sa lahat ng vape products.